MANILA – Hinikayat ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang publiko na isumbong ang mga pulitikong ginagamit ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa pangangampanya.Kasunod na rin ito ng mga report na ilang pulitiko ang nananakot na iipitin ang pondo para sa 4Ps kung hindi iboboto ang mga kandidatong kanilang sinusuportahan o hindi dadalo sa kanilang political rallies.Sa interview ng RMN kay DSWD Sec. Dinky Soliman, nilinaw nito na tanging ang kagawaran lamang ang maaaring magtanggal sa listahan ng mga benepisyaryo at hindi mga pulitiko.Ipinaliwanag ni Soliman na pinili ang mga mapapasama sa 4Ps sa pamamagitan ng National Household Targeting System at kung may mga natatanggal man, ito ay dahil hindi sila tumutupad sa kanilang obligasyon sa ilalim ng programa.Sa ngayon ay ini-imbestigahan na ng DSWD ang mga sumbong sa mga politikong ginagamit ang 4Ps sa pangangampanya.
Mga Politikong Ginagamit Ang 4Ps Sa Pangangampanya, Ini-Imbestigahan Na Ng Dept. Of Social Welfare And Development
Facebook Comments