Si dating Pangulong Ferdinand Marcos lang ang lider ng bansa na nag-iwan ng legasiya.
Ito ang binigyan diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang sa talumpati sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago – Hugpong sa Tawong Lungsod (HNP-HTL) sa Davao City kagabi.
Bilang paghanga sa dating pangulo, sinabi ni Duterte na si Marcos lamang ang may mga nagawang proyekto na hanggang ngayon ay nakikita pa rin ng publiko.
Binanggit niya ang ilang proyektong pang-imprastraktura ng dating diktador tulad ng Light Rail Transit (LRT), Philippine International Convention Center (PICC) at Cultural Center of The Philippines (CCP).
Matapos nito ay binanatan naman ng presidente ang mga pulitiko na aniya ay walang maipakikitang proyekto ngunit puro lamang salita at saway.
Ang Marcoses ay kaalyado ng Pangulo.