Mga Posibleng Dahilan Kung Bakit Ka Single

Hindi man lahat pero karamihan sa atin gustong matupad ang love-life o relationships goal na nababasa natin sa internet, napapakinggan sa radio drama, o napapanood sa paborito nating palabas. Pero sa totoo lang mailap yung ganito, kaya nga hanggang ngayon single ka pa rin. Maraming pwedeng dahilan kung bakit… Oo, KUNG BAKIT KA SINGLE?

Heto ang mga maaaring rason:
1. HINDI KA MARUNONG MAGHINTAY. Yung tipong masyado kang impatient sa mga pangyayari sa buhay pag-ibig mo. Easily to give up dahil madali kang mairita at pikon sa mga kaganapan sa’yong relationship.

2. ANG GULO MO. Hindi ka maintindihan. Hindi klaro kung anong gusto mo pagdating sa relasyon. Yung tipong andami mong hinahanap.


3. TAMAD KA. Applicable ito sa lahat. Wag maging tulad ni Juan Tamad na hihintaying mahulog ang bunga eh kaya namang pitasin. Seryoso, kung interesado ka sa isang tao, REACH OUT. Gusto mong ma-meet si special someone, make it happen by reaching him or her out.

4. SARILI MO LANG MAHAL MO. Masyado mong mahal ang sarili mo. Wala namang masama dun pero wag ka masyadong self-centered, opposite kasi sa prinsipyo ng pakikipag-relasyon ang ganitong attitude. Dapat ma-realize na hindi lang sayo umiikot ang mundo.

5. SOBRANG ARTE MO. Marami kang “SANA”, sana ganito ka-gwapo, sana ganito ka-sexy, sana maputi, sana… sana… sana! Di naman masama maghangad pero minsan nasosobrahan na natin eh. Bago tayo maghanap ng perpekto tignan muna natin ang ating sarili, hanapin natin kung sino tayo, kilalanin nating mabuti ang ating sarili, ayusin at harapin natin kung sino ba talaga tayo. Baka sa lagay na yun matutunan nating tanggapin na NOBODY IS PERFECT, KAYA WAG KANG PERFECTIONIST.

6. HINDI PA ORAS! Hindi lang pala sa tao ang pagiging perfectionist mo, pati sa oras. Utang na loob naman, kung hindi ngayon…kelan pa? Di parin naka move-on? Kelan ka pa mag-move on? Tandaan mo masarap maging kakampi ang oras pero sobrang hirap maging kalaban.

Tandaan walang masama sa pagiging single pero kailangan din nating mapagtanto na mas masaya at madali ang buhay kung may katuwang ka. May mga bagay lamang tayo na dapat isaalang-alang kung gusto talaga nating pumasok sa relasyon. At the end of the day its up to us ang desisyon. Kung saan ka masaya eh di suportahan taka! Paalala ang inyong mga nabasa ay applicable sa mga nasa hustong edad na. Kaya students aral muna.

Eh ikaw, BAKIT KA SINGLE?

Facebook Comments