Mga posibleng priority bills ng Marcos administration, dapat abangan kung mababanggit sa SONA ng pangulo ayon sa Malacañang

Kahit pa may inilahad si Executive Secretary Vic Rodriguez na mga usapin na posibleng matalakay bukas sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay hindi naman ito nagbigay ng anumang posibilidad na may mabanggit ang Punong Ehekutibo na may kinalaman sa priority bills nito.

Ayon kay Rodriguez, mas mabuting hintayin na lang ang SONA ng pangulo bukas para matukoy kung ito ba ay isa mababangit ng pangulo.

Pero una ng hinikayat kamakailan ng matunog na magiging Senate president na si Senator Juan Miguel Zubiri na kanyang hinihikayat ang Pangulo na i-convene ang Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.


Ito ay para mapag-usapan ang direksiyon at hiling ng executive branch na may kinalaman sa legislation kabilang na ang proposal nitong rightsizing sa gobyerno.

Una na ring sinabi ni Rodriguez na baka hanggang bukas ng umaga pa ganap na maisapinal ni Pangulong Marcos ang lalamanin ng kanyang SONA na siya mismo ang nagsusulat.

Ilan naman sa mga usapin na hindi aniya mawawala sa pag-uulat sa bayan mamaya ng pangulo ang may kinalaman sa ekonomiya, pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa pamamagitan ng face-to-face classes at ang tuloy-tuloy na pagtugon ng gobyerno sa COVID-19.

Facebook Comments