Mga positibo sa iba’t ibang COVID-19 variants sa bansa, umabot sa 2,248 – DOH

Nasa 7,250 samples ng mga positibo sa COVID-19 ang isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center (PGC) at UP National Institutes of Health (UP-NIH).

Kaugnay nito, 2,248 ang lumabas na nagpositibo sa iba’t ibang COVID-19 variant hanggang noong nakaraang linggo.

Ayon sa PGC biosurveillance report, 24 variant cases ang nananatiling aktibo kabilang ang 7 na UK variant, 7 South African variant, 9 na Indian variant at isa na P.3 na unang natukoy rito sa pilipinas.


Habang gumaling na ngayon ang dalawang kaso ng P.1 variant o yung unang natuklasan sa Brazil.

Facebook Comments