OWWA, nakahandang sumuporta sa mga Pilipino sa UAE na hindi pa makauwi dahil sa travel ban

75

Siniguro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nakahanda silang sumuporta sa mga Pilipinong apektado ng travel ban.

Kaugnay pa rin ito sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 variant na unang naitala sa India kung saan sa ngayon ay bawal pa rin ang biyahe mula sa United Arab Emirates (UAE).


Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, handa silang makipag-usap sa gobyerno ng UAE para sa mga penalty na ipapataw sa mga Overseas Filipino Workers na paso na ang mga visa.

Sa ngayon, pinalawig pa hanggang Mayo 31 ang travel ban kung saan bukod sa UAE ay ipinatutupad din ito sa India, Bangladesh, Oman, Nepal, Pakistan at Sri Lanka.

Facebook Comments