Mga power utilities, pinaghahanda sa mataas na demand ng kuryente ngayong summer

Pinaghahanda ng Kamara ang mga power utilities sa pagtaas ng demand sa kuryente ngayong summer.

Ayon kay House Committee on Energy Vice Chairman Carlos Roman Uybarreta, asahan ang pagtaas ng demand sa kuryente sa mga probinsya dahil maraming magsisiuwian para magbakasyon.

Pinangangambahan din ang mas madalas na brownout sa mga probinsya na maaaring makaapekto sa nalalapit na 2019 midterm election.


Dapat aniyang paghandaan ito lalo na ang pagtaas ng bilang ng mga taong magsisiuwian ngayong Holy Week at sa nalalapit na halalan ay magreresulta sa mas madalas na pagkunsumo ng kuryente.

Bukod sa kuryente, pinaghahanda din ng mambabatas ang gobyerno at mga probinsya sa pagtaas din ng demand sa tubig sa pagdagsa ng mga bakasyunista ngayong panahon ng tag-init.

Facebook Comments