Mga prayoridad ng pamahalaan sa pagtatamo ng sustainable development goals sa Southeast Asia, inilatag ng NEDA

Inilatag ng National Economic Development Authority (NEDA) ang mga istratehiya ng pamahalaan sa pagtatamo ng sustainable development goals ng Pilipinas sa Southeast Asia.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kasunod ng kaniyang pagdalo sa 2nd ASEAN Ministerial Dialogue on Accelerating Actions to Achieve the Sustainable Development Goals.

Dito iminungkahi ni Balisacan na kinakailangang maitaguyod ang mabilis at matatag na ecosystem para sa research and development gayundin sa innovation.


Binigyang diin pa ni Balisacan na ang kahalagahan ng maigting na pagpapatupad ng ASEAN Vision 2025 sa disaster management at dapat mag-adapt ang mga bansa sa rehiyon para sa whole-of-ASEAN approach upang makamit ang pag-unlad.

Mangyayari lamang ito kung magkakaisa ang pribadong sektor, lokal na komunidad, civil society organization at regional networks para sa development of partnership sa pamamagitan ng maigting na komunikasyon at koordinasyon.

Facebook Comments