Mga presong sumuko makaraang lumaya dahil sa GCTA law, umabot na sa 281!

Umakyat na sa 281 ang mga presong sumuko makaraan silang makalaya dahil sa GCTA law.

Sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) na inilabas kaninang umaga, nasa 281 na ang sumukong preso sa iba’t ibang police office sa bansa.

Kabilang dito ang 93 bilanggo ang may kasong murder; 93 na may kasong rape; 26 may robbery with homicide at 14 ang homicide.


May mga sumuko din na ang kaso ay rape with homicide, may kaugnayan sa drugs; murder and frustrated murder at iba pa.

Pinakaraming sumuko sa Police Regional Office 4B na umabot sa 38 preso.

Ang nasabing datos ng PNP ay mula September 4 kung saan itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 15-days na deadline para sumuko ang nasa 2,000 preso na nakalaya sa GCTA law.

Facebook Comments