Mga pribado at pampublikong sementeryo sa San Juan, isasara sa Oktubre 30

Inihayag ng pamunuan ng San Juan City na pansamantalang isasara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, napakahalaga ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo na ngayong may COVID-19, kaya’t nagpasya siyang pirmahan ang Executive Order no. 49 na nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan na pansamantalang ipasara ang mga sementeryo at columbaries sa buong syudad.

Bukod sa mga sementeryo, ipinagbabawal din ang mga ‘trick or treat’ o mga Halloween activities mula October 30 hanggang November 3, 2020, upang maiwasan ang mass gatherings.


Nilinaw ng alkalde na wala siyang ibang hangad kundi ang kabutihan at kaligtasan ng lahat ng residente ng San Juan City.

Facebook Comments