Mga residente ng Antipolo hinimok na magtungo na sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago ang Undas

40

Hinihikayat ngayon ng Antipolo City Government ang kanilang mga mamamayan na maagang magtungo sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong darating na Undas.

Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Antipolo City, magpapatupad kasi ang syudad ng minimum health and safety protocols kung saan limitado lamang ang maaaring makapasok sa mga sementeryo.

Ito ay bilang safety protocol na rin ngayong may pandemic.

Payo pa ng PIO, mas mainam kung magtirik na lamang ng kandila sa mga tahanan upang makaiwas sa kumpulan ng mga tao.

Facebook Comments