Baguio, Philippines – Isang City Council Resolution No. 373, series of 2020 ang nilagdaan ng alkalde ng syudad kung saan pinangalanan ang ilang mga pribadong ahensya at indibidwal na kasalukuyang tumutulong sa gobyerno sa pagbibigay ng aksyon sa nararanasang krisis ng lungsod.
Ito ay bilang pasasalamat sa mga tumutulong sa pagtigil ng pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at mga taong apektado ng quarantine na nagbibigay din ng donasyon para sa mamamayan at sa mga frontliners kung saan kabilang sa mga ipinamamahagi nilang donasyon ay mga pagkain; gamot at dietary supplements; mga personal protective equipment (PPE) at disinfectant; suportang pinansyal at iba pa.
Ayon sa resolusyon, ang mga nabanggit sa mahabang listahan ng donors, ay patunay na mayroong padin bayanihan sa panahon ng kasadlakan kaya dagdag sa pasasalamat ng syudad, ang hinihiling na pagpapala para sa mga nasa listahan, na sana ay maibalik ang sigla ng kanilang mga negosyo, makayanan pa ng kanilang organisasyon ang mga pagsubok sa panahon at sana dumami pa ang mga katulad nila.