Mga pribadong hospital sa QC, pumayag na i-refer ang Potential at Positive sa COVID-19 cases sa Local Government

Para agad matugunan, ire-refer na ng mga Private hospitals sa Quezon City ang mga  Potensiyal at Positibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Ito ang napagkasunduan sa pulong sa pagitan ni Mayor Joy Belmonte at 30 Private hospitals sa Lungsod kasabay ng pangako na mahigpit na makipagtulungan para labanan ang nakamamatay na virus.

Ayon sa alkalde magiging obligasyon na ng mga Private hospitals na ipaalam sa Local Government kapag may isang pasyente ang nakitaan ng sintomas ng respiratory illness.


Sa halip na pauwiin sa bahay at sasailaim sa monitoring, mas madali para sa LGU na ma-irefer agad ang pasyente sa Quarantine Facilities at mabigyan ng agarang Medical attention.

Tiniyak naman ni Belmonte ang suporta ng LGU sa mga Private hospitals.

Kaugnay nito, sinisikap na rin ng Local Government na magkaroon ng Online System na ‘Telemedicine’ para magkaroon ng pagkakataon ang mga residente na makausap ang mga  Medical Personnel tungkol sa kanilang concerns sa COVID-19.

Facebook Comments