Plano ng mga pribadong sektor sa Pilipinas na bumili ng Pfizer COVID-19 vaccine para maiturok sa kabataan.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, pinag-aaralan na nila ang pagkakaroon ng tripartite agreement sa pagitan ng gobyerno at ng Pfizer para makatulong sa pagbabakuna kontra COVID-19 ng gobyerno.
Aniya, layon din nitong matulungan ang mga anak ng kanilang mga empleyado.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na posibleng mabakunahan na kontra COVID-19 ang mga may edad 12 hanggang 17 sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre.
Facebook Comments