Mga pribadong kompanya, nagpadala na rin ng mga tauhan para tumulong sa pagpapatayo ng “Bayanihan Village” sa Cebu — DHSUD

Tumutulong na rin ang mga tauhan ng mga pribadong kompanya sa pagtatayo ng ‘Bayanihan Village’ sa Cebu.

Kasunod ito ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa naturang probinsya.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling, dalawang pribadong kompanya na ang nag-deploy ng kanilang tauhan na tutulong sa mga installers ng modular shelter units (MSUs).

Ang MSUs ay magsisilbing temporary shelter para sa mga pamilyang apektado ng lindol sa bayan ng San Remigio.

Ang deployment ng karagdagang manggagawa ay para mapabilis ang installation ng MSUs para magamit na ng mga apektadong pamilya.

Una rito, nagpadala ang DHSUD ng 45 MSUs na ipinatayo na sa Bayanihan Village sa Barangay Poblacion, San Remigio.

Facebook Comments