Bukas ang mga pribadong ospital na ipagamit sa pamahalaan ang kanilang pasilidad o bakanteng lote para gawing vaccination sites.
Sa harap ito ng pagpupursige ng gobyerno na mapabilis ang vaccine rollout sa bansa.
Katunayan, ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) President Dr. Jose de Grano, ginagawa na rin nila ito sa mga probinsya.
Mismong ang mga Local Government Unit (LGU) aniya ang nakikipag-ugnayan sa kanila para magamit na vaccination site ang kanilang pasilidad.
Samantala, base sa obserbasyon ng PHAPi, bagama’t bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, tumataas naman ang tinatamaan ng sakit sa ibang rehiyon.
Kabilang sa nakitaan gaya sa Regions 3, 4, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Western Visayas at Zamboanga.