Umapela ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga pribadong ospital na pag-isipang mabuti ang planong “PhilHealth holiday.”
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, ang mga ordinaryong Pilipino ang siyang magdurusa ng husto kapag matuloy ito.
Aniya, nakipag-ugnayan na rin sila sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) para talakayin at matugunan ang kanilang mga concerns, partikular na sa mga reimbursements.
Nauna nang hinikayat ni PHAPi President Dr. Jose de Grano ang kanilang mga miyembro na huwag tumanggap ng claims para sa PhilHealth deductions sa mga health services mula Enero 1 hanggang 5.
Giit ni De Grano, ang “PhilHealth holiday” ay kanilang pagsuporta sa mga ospital na nauna nang nagsabi na kakalas sa health insurer matapos umabot sa P155 billion ang hindi pa nababayang claims.