Mga pribadong sasakyan na may sakay na senior citizen, exempted sa modified number coding scheme ng MMDA

Bibigyan ng exemption ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa modified number coding scheme ang mga private vehicles na may sakay na senior citizen.

Ayon kay Senior Citizens Party-List Representative Francisco Datol Jr., exempted ang mga senior citizen na papasok sa kanilang trabaho o nangangailangan ng atensyong medical.

Sa ilalim ng MMDA Regulation 2020-001 series of 2020, awtomatikong exempted sa modified number coding scheme na magsisimula na bukas ang mga sumusunod:


  • Lahat ng pribadong sasakyan na may dalawa o higit pang sakay kabilang ang driver, sumusunod sa physical distancing at nakasuot ng face masks ang mga pasahero
  • Owner-driven o self-driven motor vehicles ng mga doktor, nurse at iba pang medical personnel

Bukod dito, papayagan din ng Department of Transportation (DOTr) na sumakay sa MRT at LRT ang mga senior citizen.

Sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) guidelines na inilabas ng Malacañang, hindi pa rin pwedeng lumabas ng bahay ang mga indibidwal na edad 20 pababa at 60 years old pataas.

Pero katwiran ni Datol, dapat na payagang lumabas ang mga senior citizen na may essential travel.

Facebook Comments