Opisyal na inilatag sa ginanap na Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting sa Malakanyang ngayong araw, ang mga panukalang batas na prayoridad na ipatupad ng Marcos administration.
Sa official social media post ng Office of the Press Secretary (OPS), kabilang sa mga tinalakay sa LEDAC meeting bukod sa mga legislation na isusulong ng administrasyon ay ang pamantayan para sa Common Legislative Agenda o CLA at ang mga kinakailangang pagbabago sa COVID-19 vaccination program act.
Ilan pa sa mga priority legislation na isinusulong ng presidente ay ang budget modernization bill, government financial institutions unified initiatives to distressed enterprises for economic recovery o guide at unified system of separation, retirement and pension.
Ang mga economic bills naman na kasama sa priority legislation ng Palasyo ay ang e-governance act, national land use act, tax package 3 o valuation reform bill, passive income and financial intermediary taxation act at internet transaction act o e-commerce law.
Ang LEDAC ay binuo sa pamamagitan ng Republic Act 7640 noong December 9, 1992 para magsilbing consultative at advisory body sa presidente ng bansa bilang siyang pinuno ng national economic and planning agency para sa mga kailangang payo sa mga programa ang patakaran ng gobyerno at para sa layunin ng national economy.
Sa ilalim ng batas, ang LEDAC ay kinakailangang magpulong ng kahit isang beses kada quarter, pero maaari itong ipatawag ng pangulo sa pamamagitan ng special meetings kung kinakailangan.