Mga private at foreign recruitment agency, pinulong ng DMW para sa full implementation ng OFW Pass

Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang mga recruitment agencies.

Ito ay upang maipakilala at maabisuhan ang mga private at foreign recruitment agencies ukol sa bagong Overseas Filipino Workers (OFW) Pass Program ng pamahalaan.

Plano kasi ng DMW na isagawa ang full implementation ng naturang programa, sa mga susunod na araw, bilang tulong sa mga OFWs.


Ayon kay Cacdac, sinisikap ng buong ahensiya na matugunan ang mga problemang teknikal na nararanasan ng mga OFW sa paggamit ng OFW Pass, mula sa nauna paglulunsad sa mga nakalipas na linggo.

Batay sa datos ng ahensiya hanggang nitong September 10, pumalo na sa mahigit 21,000 ang mga OFW Pass na nagamit bilang exit clearance.

Bagaman epektibo ang naturang programa, kailangan umanong maayor ang anumang technical issue, bago ang full implementation.

Kabilang naman sa mga bansang natukoy na pinakamalimit na pinaggamitan ng naturang pass ay ang United Arab Emirates, Qatar, at Hong Kong, China. Habang naitala naman sa Pilipipinas, UAE, at Kingdom of Saudi Arabia ang pinakamaraming na-download na DMW Mobile App.

Facebook Comments