“Walang intension na mag withdraw ng kanilang accreditation ang mga hospital sa Rehiyon Uno”
Ito ang naging pahayag ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth Region 1 ukol sa pahayag ng Private Hospitals Associations of the Philippines o PHAPI na maaring hindi na magrenew ng kanilang accreditation sa Philhealth dahil umano sa hindi pa nila natatanggap ang ilang reimbursement.
Ayon kay Regional office 1 Vice President, Doctor Alberto Manduriao, nagsagawa na ito ng pag-uusap sa mga private hospital sa rehiyon at nagpahayag na hindi sila magwiwithdraw sa ahensya para sa susunod na taon.
Bago umano ibaling ang mali sa PHILHEALTH dapat munang tanungin ang mga clearks ng bawat hospital na siyang may hawak ng Philhealth sapagkat hindi maiiwasan na magkaroon ng aberya sa system ng ahensya.
Dahil dito binibisita ng ahensya ang mga philhealth clearks ng bawat hospital sa rehiyon at inilalahad ang mga pagkakamali upang ito ay maitama at mabigyan ng gabay.
Samantala, hinikayat naman ng ahensya na makiisa ang bawat hospital upang matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan ng kanilang serbisyo.
Photo Credit: PIA Pangasinan