Mga private schools, hindi maapektuhan ng inaprubahang Universal Access to Quality Tertiary Education Act – Senator Bam Aquino

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senador Bam Aquino na hindi maaapektuhan ng inaprubahang Universal Access to Quality Tertiary Education Act ang mga private school sa bansa.

Sa interview ng RMN, sinabi ni Aquino, isa sa co-author ng batas – na may safeguard naman ang implementasyon ng free tuition.

Samantala, sakop ng batas ang free tuition sa lahat ng mga State University and Colleges (SUCs), Accredited Local Universities and Colleges (LUCs) at TESDA.


Pasok sa libreng matrikula ang miscellaneous fee, pero mga gastos lang na mandatory ng eskwelahan.

Target ng Senado na maipatupad ang free tuition sa second semester ng 2017.

Facebook Comments