Task Force na tututok sa imbestigasyon sa pag-ambush sa isang dating journalist at kapatid nito, ikinasa

Manila, Philippines – Bumuo na ng Task Force Marasigan ang pamunuan ng Eastern Police District para mapabilis ang imbestigasyon sa pag-ambush sa dating journalist na si Mike Marasigan at kapatid nitong si Christopher.

Itinalagang pinuno ng Task Force si Deputy District Director for Operations P/ Supt. Florendo Quibuyen.

Ayon kay EPD Director P/Chief Supt. Romulo Sepitula, trabaho at personal na away ang anggulong tinitignan sa krimen.


Samantala, papasok na rin sa imbestigasyon ng naturang pananambang ang National Bureau of Investigation.

Facebook Comments