Mga probisyon sa Philippine Immigration Act, hindi na angkop sa kasalukuyang panahon – BI

Matagal nang isinusulong ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-amyenda sa Philippine Immigration Act.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na 40 taong gulang na ang batas na ito at hindi na uubra para sa modernong panahon ang maraming probisyong nakapaloob dito.

Ayon pa sa opisyal, nasa Kongreso na ang bagong revision ng batas at kailangan na lamang itong maaprubahan at maipasa.


Sakop aniya ng pag-revise sa batas hindi lamang ang issuance nito maging ang sweldo ng mga BI personnel, maging ang parusa sa mga lalabag dito.

Facebook Comments