Diskwento ng estudyante na nagbayad ng buo sa biniling ticket online para sa kanilang biyahe, pinapa-refund ng isang kongresista

Iginiit ni Isabela 6th District Representative Faustino “Inno” Dy ang pag-refund sa nararapat na diskwento para sa mga estudyante na nagbayad ng buo sa pagbili ng ticket online para sa kanilang byahe.

Sabi ni Dy, dapat makuha ng mga estudyante ang refund sa kanilang pagpresenta ng school ID sa mga terminal.

Ang panawagan ni Dy ay sa harap ng pagdagsa sa iba’t ibang terminal ng mga pasahero, kasama ang mga estudyante, na magtutungo sa kani-kanilang lalawigan ngayong panahon ng Semana Santa.


Sinabi ito ni Dy dahil may ilang transport companies ang lantarang hindi nagbibigay ng fare discount para sa mga estudyante na bumili ng ticket online.

Paliwanag ni Dy, alinsunod sa Republic Act No. 11314 o Student Fare Discount Act, ang mga estudyante ay mayroong 20 percent discount sa pamasahe sa lahat ng pampublikong transportasyon sa buong bansa kahit ang tickets ay binili online.

Facebook Comments