Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na ipagpapatuloy ng administrasyon ang paghahanap ng solusyon para maayos pa ang maritime industry sa bansa.
Ito ay kasunod ng desisyon ng European Commission na tanggapin pa rin ang certification ng mga tripulanteng Pinoy para makapagtrabaho pa sila sa European Union.
Sabi ng pangulo, isa ito sa tinalakay nila ni European Commission President Ursula Von der Leyen para maisalba ang nasa 50,000 seafarers na nanganganib mawalan ng trabaho.
Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, inaasahang darami pa ang mga Pinoy seafarer dahil sa pagpapatuloy ng pagtanggap ng certification.
Facebook Comments