Alyssa Valdez, team captain ng PH National Volleyball Team sa 32nd SEA Games

Hinirang birang team captain ng Philippine Women’s National Volleyball Team si Alyssa Valdez.

Pangungunahan ni Valdez ang koponan na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ngayong Mayo.

Ayon sa Philippine National Volleyball Federation, makakasama ni Valdez ang ilan niyang teammates sa Creamline Cool Smashers na kamakailan lamang ay nagkampyon sa 2023 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.


Ang mga ito ay sina Jia de Guzman, Jema Galanza, Tots Carlos, Ced Domingo, Michele Gumabao, at Kyla Atienza.

Maglalaro din sa SEA games sina Maria Angelica Cayuna and Glaudine Troncoso ng Cignal, Kathleen Faith Arado at Dell Palomata ng PLDT, Cherry Rose Nunag at Katrina Mae Tolentino ng Choco Mucho at Mylene Paat ng Chery Tiggo.

Comeback na rin ito ni Valdez sa paglalaro ng volleyball matapos hindi makapaglaro noong nakaraang season dahil sa injury sa tuhod na tinamo sa Reinforced Conference noong Disyembre ng nakaraang taon.

Nagtapos sa ikaapat na pwesto ang Pilipinas sa 31st SEA Games na ginanap sa Vietnam noong nakaraang taon.

Magsisimula ang Cambodia SEA Games sa May 5 pero uumpisahan ang volleyball tournament sa may 3 sa Morodok Techo Elephant Hall.

Facebook Comments