Mga problema sa benepisyo ng mga health worker, pinareresolba ni PBBM sa DOH

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) na resolbahin ang mga isyung nakaaapekto sa mga benepisyo ng mga healthcare workers sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, bukod sa pagbabakuna at pagtugon sa pandemya, isa rin sa mga prayoridad niya na tingnan ang problema na humahadlang sa pagbibigay ng benepisyo sa mga health workers.


Kaugnay nito, isusulong ni Vergeire ang dagdag-pondo para makumpleto ang pamamahagi ng benepisyo sa mga healthcare workers.

Aminado kasi ang DOH OIC na kulang talaga ang pondo ng ahensya para sa nasabing programa.

Samantala, makikipagpulong din siya sa mga healthcare workers para talakayin ang aniya’y ilang “minor things” kabilang ang requirements na kinakailangang maisumite ng mga ospital para mai-release ang pondo.

Giit ni Vergeire, dapat itong gawin dahil bilang nasa gobyerno ay kailangan nilang sumunod sa panuntunan at regulasyon na itinakda para sa auditing rules.

Facebook Comments