Bumisita sa Bayambang si Department of Education Undersecretary Epimaco Densing III sa bayan at nagkaroon ng pagpupulong kung saan kanilang inalam at tinalakay ang mga problema sa imprastraktura ng iba’t ibang paaralan sa Rehiyon 1 at kung paano ito malulutas.
Nagsumite ng mga plano para sa mga paaralan at iba pang proyektong may kinalaman sa imprastraktura ang mga representative galing sa mga Schools Division Office ng ng iba’t ibang bahagi ng probinsya ng Pangasinan para sa pagsisiguro ng komportableng lugar ng pag-aaral ng mga estudyante para sila’y matuto.
Dito ay binuksan na rin ng alkalde ng bayan ng Bayambang ang usapin at binigyang diin ang problema nila ukol sa pagbawi ng Bayambang Central School na ilang taon nang ipinaglalaban ng Lokal na Pamahalaan at nangako rin naman si Undersec. Densing na kanilang itong tututukan para maibalik na ang paaralang ito na malaking bahagi ng kasaysayan at ng kinabukasan ng Bayambang.
Sa pamamagitan din nito, masisiguro ang maayos at mabuting estado ng mga paaralan kung saan mas komportableng matuto ang mga mag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments