Mga problemang kinakaharap ng Pilipinas, malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa

Malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ang paglaganap ng African swine fever (ASF), pagsabog ng Bulkang Taal at ng sakit na novel corona virus (n-CoV).

Sa hearing sa Senado – aminado si Department of Finance (DOF) Secretary Sonny Dominguez na simula nang pumasok ang 2020, marami nang kinaharap na problema ang bansa na magdudulot ng negatibong epekto sa ekonomiya.

Sabi pa ni Dominguez, na hindi pa nila mababatid ang kabuuang epekto ng nCoV sa ekonomiya ng bansa dahil nagsisimula pa lang ang paglaganap nito.


Sa ngayon, umabot na sa mahigit 300 flights ang naapektuhan ng travel ban ng Pilipinas papuntang China, Macau at Hong Kong.

Habang pumalo na sa 425 ang nailatang nasawi dahil sa nCoV habang 19, 550 ang inoobserbahan pa.

Facebook Comments