World – Sinuportahan ng United Nations Security Council ang United States sa pagbaban ng mga ine-export na produckto ng North Korea sa ibang bansa.
Ang mga produktong ito ay coal, iron, iron ole, lead, lead ore at seafood.
Napag-alaman ng U.N na kumikita ang North Korea ng halos $400 million mula sa coal products, $251 million naman sa iron at iron ore, $113 million sa lead at leas ore, habang $295 million naman sa seafood products.
Nagkakahalaga ng $3 billion ang kada taong ine-export ng Noth Korea sa US sa loob ng Pyongyang Intercontinental Ballistic Missile (ICBM) test noong nakarang buwan.
Nagsalita naman ang council diplomat tungkol sa kondisyong ito, na nagsasabing confident ang North Korea, dahil alam nilang papanigan sila ng China at Russia dahil magkakamiyembro ang mga ito sa 15 security council.
Isa rin sa nalaman ng UN human rights na noong 2015 ay pinilit ng north korea na pagtrabahuhin ang halos 50,000 na tao sa ibang bansa partikular sa mga bansang Russia at China, kung saan kumikita ang mga ito ng $1.2 billion hanggang $2.3 billion kada taon para sa kanilang gobyerno.
Mga produckto ng North Korea, posibleng ma-ban sa ibang bansa – ayon sa United Nations Security Council
Facebook Comments