Ipinagmalaki ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan ang kanilang produkto na isa sa mga nagiging salik kung bakit kilala ang kanilang mga bayan at siyudad sa naganap na pagbubukas ng Pangasinan Trade Expo.
Isa rito ang processed bangus products tulad ng bangus longganisa, bangus sisig, bangus chicharon mula sa Binmaley. Ang kakaibang alak mula sa pakwan, fresh pakwan na mula naman sa Bani, processed hito tulad ng tinapa, hito in olive oil and spanish sardines hito ng Urbiztondo, at chutney mango, pastillas de mango, mango wine, dried mango ang hain naman ni San Carlos.
Naroon din ang kilalang puto na may ibat-ibang flavor ng Calasiao, patis at ang napakaputing asin ng Dasol, oyster mushroom ng Sta Maria, carabao’s fresh milk ng Asingan, preskong tubing-tubing ng Labrador at sinakob mula sa tubo naman ng Pozorrubio.
Samantala, ang nasabing aktibidad ay kasunod din ng pagdiriwang ng 443rd Agew na Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments