Isinalansan ng Moro entrepreneurs ang kanilang mga pambihirang produkto, sining at delicacies sa isang araw na All-Inclusive Growth Actions Towards Development And Poverty Alleviation (Angat-Dapat) Social Fair sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, ORG Compound dito sa Cotabato City.
Sinabi ni Selahuddin Yu Hashim, chair and executive director of The Moropreneur, Incorporated (TMI), ang naturang aktibidad ay naglalayong umani ng suporta mula sa industriya ng pagnenegosyo at sektor ng pagnenegosyo sa paglikha ng market linkages sa mga bagong tatag na kooperatiba.
Sa temang “Trade, Not War: Celebrating Community Innovation,” ang ANGAT DAPAT Social Fair ay hakbang tungo sa pagkamit ng pinagsama-samang pananaw ng empowered, mapagkalinga at responsableng mamamayan sa ARMM na sama-samang naglilikha ng makabagong solusyon upang makamit ang sustainable peace and development.
Daan-daang business investors, community partners sa Maguindanao, United Nation agencies at civil society organizations ang dumalo sa naturang aktibidad.
Mga produkto, sining at kakaning espesyal itinampok sa ANGAT DAPAT Social Fair sa ARMM!
Facebook Comments