Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang mga produktong agrikultura na dala ng mga pasaherong lumapag sa Davao Airport.
Ilan sa mga produktong ito ay gulay, prutas at karne gaya ng oranges, chili, spring onions, sibuyas, ponkan, parsley at mga frozen na karne ng pecking duck, manok, baboy, baka at iba pang processed meat.
Sa report ni District Collector Atty. Romalino G. Valdez, ang mga kinumpiskang produkto ay galing sa China, Hong Kong, United States, Canada, China, Australia at Singapore.
Paliwanag ni Atty. Valdez wala aniyang clearance ang mga kinumpiskang produkto na ligtas at dumaan sa pagsusuri.
Ipauubaya na ng BOC sa Bureau of Quarantine ang pagsusuri sa mga nasamsam na produkto na idi-dispose na rin ng Bureau of Animal Industry (BAI).