Gagamitin ng Department of Tourism (DOT) ang nature-based assets ng Pilipinas para mag-develop ng mga bagong produkto na akma ngayong new normal.
Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., maraming resources ang bansa na maaaring i-develop sa packages at pwedeng i-promote sa domestic tourists at sa foreign markets.
Ang domestic tourism ay nakapag-generate ng 85% ng tourism revenues na nagkakahalaga ng ₱3.1 trillion.
Ang Boracay, Baguio, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Palawan at Siargao Island ay major tourism sites na binuksan na sa mga lokal na turista.
Ang desisyon sa pagtanggap ng mga dayuhang turista ay nasa desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan.
Facebook Comments