Mga produktong gawa mula sa mga lalawigan sa ARMM, ibinida sa MSME SUMMIT 2017!

Daan-daang partsipante mula sa 5 lalawigan ng ARMM at kalapit rehiyon ang lumahok sa isinagawang Micro, Small and Medium Enterprise Summit na pinangasiwaan ng Department of Trade and Industry-ARMM at ng MSME Development Council.
Isinalansan ang iba’t-ibang mga produkto na gawa at ipinagmamalaki ng bawat lalawigan sa rehiyon sa naturang summit.
Layunin ng summit na makatulong sa pagsulong sa promosyon at paunlarin ang micro, small and medium enterprises sa ARMM sa pamamagitan ng pag-empower sa local entrepreneurs at bigyan sila ng inpormasyon hinggil sa pinakabagong trends sa local and global market.
Pakay ng din DTI-ARMM na umasiste sa MSMEs na malagpasan ang mga isyu at hamon na kinakaharap ng mga ito.
Sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na isa sa major economic strategies sa Regional Development Plan 2017-2022 para sa rehiyon ay ay promosyon at pagpapa-unlad sa MSME, handa anya ang regional government na tumulong sa maliliit na negosyante.
Ang naturang summit ay may temang “Moving Forward through PESO-PRIDE or People Empowerment through Social Enterprise-Poverty Reduction by Industry Development & Entrepreneurship”.(photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments