Ibinibida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga produktong gawang Pinoy sa mga foreign leaders na bumibisita sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, na sa tuwing may dayuhang opisyal na bumibisita sa Pilipinas ay nagbibigay sila ng mga locally made na regalo sa mga ito.
Sa ganitong paraan kasi aniya ay naipapakita ang pagmamahal sa mga local products na kaniyang naipo-promote rin sa mga dayuhang lider.
Giit pa ng pangulo na napakaganda naman talaga ng gawang Pilipino at mahalagang maipagmalaki ito sa buong mundo, lalo na ang mga gawa ng maliliit na negosyo.
Facebook Comments