MGA PROGRAMA AT PROYEKTONG NAKATAKDANG ISAGAWA SA MANAOAG, BINUSISING MABUTI

Mabusisi at hinimay isa isa ang mga programa at proyektong nakatakdang isagawa sa bawat barangay sa bayan ng Manaoag sa isinagawang pagpupulong ng Municipal Development Council o MDC.
Ang MDC ay kinabibilangan ng lahat ng kapitan ng mula sa dalawampu’t anim na barangay sa bayan.
Sa pagpupulong ay ibinahagi ng MDC ang mga reprogrammed funds para sa kanilang development projects bawat barangay kung saan kabilang rin ang mga pinondohan ng national government.

Nagkakahalagang 600,000 pesos ang nakalaaan sa bawat barangay na mula sa development fund kung saan ilalaan ito sa ilang inaprubahang proyekto tulad ng anim na rescue vehicles, farm-to-market roads, multi-purpose hall at installation ng solar street lights sa labing anim na barangay sa bayan.
Bilang pagsuporta rin naman sa mga programa at proyektong ito sa bayan ay bumuo naman ang alkalde ng bayan ng isang Local Monitoring Committee na siyang nagiikot sa mga barangay para masiguro na maayos na natatapos at naisasagawa ang mga naturang programa at proyekto at talagang napapakinabangan ng mamamayan. |ifmnews
Facebook Comments