Naglatag ang Department of Energy (DOE) ng mga programa nito hinggil sa kuryente at gasolina na pwedeng ipatupad ng administrasyong Marcos.
Ayon kay DOE Undersecretary Benito Ranque, ang mga naturang programa ay malaki ang maitutulong upang mapababa ang singil sa kuryente at presyo ng gasolina.
Una, doblehin ang existing lifeline rate sa National Capital Region (NCR) para makatulong sa marginalized consumers.
Aniya, ang lifeline subsidy ay ibinibigay sa mga low income users na gumagamit nang hindi bababa sa 100 kilowatts kada buwan.
Pangalawa, dapat mag-renegotiate ang DOE ng mga kontrata sa mga independent power producers.
At panghuli, dapat ibigay direkta sa mga electric cooperatives ang Agus-Pulangi Hydropower Complex upang mapababa ang presyo ng kuryente sa Mindanao.
Dagdag pa ni Ranque, plano ng DOE na suspendihin ang Biofuels Act of 2006 na nagpapataw ng dagdag na gastos na ipinapasa sa mga konsumidor dahil sa biofuel component nito.
Dahil diyan, posible aniya bababa sa P3.26 kada litro ng gasolina at P1.40 kada litro ng diesel.