19-ANYOS NA ESTUDYANTE, PATAY MATAPOS MALUNOD SA IMPROVISED POOL

28
Cauayan City, Isabela- Kumbinsido ang pamilya ng isang nasawing estudyante na nalunod ito sa concrete pool at walang nangyaring foul play na naganap noong Sabado ng gabi sa Brgy. Faustino sa Lungsod ng Cauayan.

Hindi na magsasampa ng kaukulang kaso ang pamilya ng biktima na kinilalang si Joseph John Dela Rosa, 19 taong gulang, estudyante at residente ng Purok 3 ng nasabing barangay. Bago ang insidente, nagkaroon ng inuman ang biktima kasama ang basketball teammates sa isang kubo na may kasamang improvised concrete pool na pagmamay-ari ni Junior Magno.

Pasado alas ng syete ng gabi ay nagpaalam sa mga kasamahan ang biktima na pupunta ito sa improvised concrete pool na may apat na talampakang lalim.

Pagkalipas ng ilang minuto, nagkaroon ng brownout kaya umalis sa kubo ang mga kasamahan ng biktima at nagtungo rin sa pool.

Dito na nakita ng mga kasamahan ang nalulunod na biktima kaya agad nila itong iniangat mula sa pool at binigyan ng first aid bago itinawag at humingi ng tulong sa Rescue 922.

Naisugod naman sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay na ng attending Physician habang siya ay nilalapatan ng kaukulang lunas.



Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng nalunod ang biktima dala ng kanyang kalasingan.

Facebook Comments