Kasabay ng pamamahagi ng ayuda para sa mga civilian volunteers sa ikalimang distrito ay sabay na ring inihayag ng gobernador ng lalawigan ng Pangasinan ang kanilang mga programa para sa mga kababayan nito.
Ayon sa gobernador, nasa apat na bilyong piso ang pondo ng probinsya para sa infra projects at sinabing ang mga isasagawang proyekto ay mga “big impact projects” na siyang mararamdaman ng mga Pangasinense.
Inisa-isa rina ng ilang pang mga nakaambang mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan gaya na lamang sa transportation at accessibility, pamumuhunan, pagtatayo ng mga paliparan, pagkontrol ng pamahalaan sa 470 ektarya ng asinan sa bayan ng Bolinao at Bani, nabanggit din ang tungkol sa pagpapalakas ng turismo sa lalawigan, mga technical skill campuses, healthcare services, livelihood programs at mga pabahay para sa mga informal settlers. |ifmnews
Facebook Comments