Mga Programa ng SSS, Inalok sa mga Delinquent Employers Kasunod ng Isinagawang Surprised Visit Ng R.A.C.E Team Sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Iniaalok ngayon ng Social Security System o SSS ang kanilang dalawang programa para sa mga employers na may matagal ng delinquency upang sa ganon ay hindi na umabot pa sa pagsasampa ng kaso ng SSS.

Sa ikinasang surprised visit ng Run After Contributions Evaders o RACE Team ng SSS sa Santiago City kamakailan sa siyam (9) na mga Delinquent Employers ay ilan sa mga establisyimento ay sarado habang ang ibang establishments ay maayos namang humarap at nakipag usap sa grupo ng SSS kasama na tayo at iba pang media.

Ang siyam na mga business establishments ay kinabibilangan ng paaralan na kaagad namang mag settle ng penalties at contributions ng kanyang mga manggagawa, mga Restaurants, Hardware, computer shop at shopping center.

Ayon kay Porfirio Balatico, Vice President ng SSS Luzon North 2 Division, batid naman aniya nila na ang mga naturang negosyo ay apektado ng pandemya subalit ito ay Mandatory at responsibilidad pa rin aniya ng employer na hulugan o bayaran ang SSS contributions ng mga empleyado para makuha rin ng mga ito ang kanilang mga benepisyo ay pribilehiyo.

Kaya naman sa personal na pakikipag harap ng mga opisyales at kawani ng SSS sa mula sa iba’t-ibang branch sa rehiyon dos ay pinaalalahanan muna ang mga naabutang deliquent employers na bayaran na ang mga hindi nahulugang kontribusyon ng kanilang mga empleyado at i-avail ang programang Pandemic Relief and Restructuring Program o PRRP 2 at PRRP 3 ng SSS na kung saan ay pwede nilang bayaran ang kanilang mga deliquency sa pamamagitan ng installment scheme at iaaply lamang ito sa anumang branch ng SSS.

Nagbigay rin ng Order letter si Atty. Vicente Sol Cuenca, Department Manager 3 ng Luzon North 2 Legal Department sa mga delinquent employers na kung saan nakasaad sa sulat na pagkatapos nila itong at mayroon lamang silang 15 days o labin-limang araw (15) para mag-comply.

Kung hindi naman gumalaw at hindi nagbayad ang mga sinisingil na employer ay maaari na silang kasuhan pero kung sila ay sumunod at nagcomply sa pamamagitan ng installment payment at hindi rin nagbayad sa mga susunod na buwan o quarter ay mayroon pa rin kalalagyan ang mga naturang employer.

Ayon pa kay Balatico, very considerate pa ngayon ang kanilang ahensya dahil sa nararanasang pandemya di tulad aniya noong mga nakaraang taon na binibigyan na agad na show cause order at demand letter ang mga delinquent employer.

Mula sa nakitaang siyam na delinquent employers sa Santiago City ay tinatayang nasa mahigit 1.2 million pesos ang pinakamataas na kanyang babayaran habang nasa mahigit 22,000 pesos naman ang pinakamababa kasama na rito ang principal at penalty.

Samantala, magsasagawa muli ng parehong aktibidad ang mga kawani ng SSS sa Ilagan Branch sa darating na April 6 at papangunahan pa rin ng Vice President ng SSS North Luzon 2 Division at ni Atty. Vicente Sol Cuenca ng SSS Legal Department at ng iba pang kawani ng nasabing ahensya.

Facebook Comments