Nakalinya na ang iba pang mga programa para sa buwan ng Marso ang kinabibilangan ng Project Barangay Task Force sa Dagupan City.
Ang ilan sa mga nakalinyang programa ay bibigyan ng pagsasanay ang barangay task force ukol sa fire protection maging ang kaalaman sa safety and first aid dahil sila ang itinuturing na first responders sa barangay.
Muli rin ibabalik diumano ang Junior Fire Marshal kung saan magkakaroon ng pagsasanay ang mga kabataan ukol sa fire safety awareness.
Ang pagbabalik ng programa rin na ito ay isang child-friendly program ng alkalde ng lungsod.
Ipinaalam ito ng kawani ng BFP Dagupan matapos ang isinagawang bloodletting activity na siyang pinangunahan ng Dagupan City Fire Station, lokal na pamahalaan ng Dagupan at Region 1 Medical Center bilang bahagi ng paggunita ng Fire Prevention Month.
Nagkaroon rin kasi ng Kick-off Ceremony para sa 2023 Fire Prevention Month na siyang dinaluhan ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng PNP Dagupan, BJMP, CDRRMO, POSO, kasama ang Red Cross, Panda Fire Volunteer Group, Malued Fire Brigade, CSI at Star Plaza Fire Brigade.
Naglalayon ang kampanyang ito na mapalakas ang pagbibigay ng impormasyon sa mga Dagupeño ukol sa pag-iwas sa sunog at kung ano ang mga dapat na gawin tuwing magkakaroon man ng sunog. |ifmnews
Facebook Comments