VINTAGE BOMB NATAGPUAN SA ISANG JUNKSHOP SA DAGUPAN CITY

Agad na ipinagbigay-alam sa Dagupan City Police Station ang isang vintage bomb na nakita sa isang junkshop sa lungsod.
Ayon sa nakakita ng bomba, na si Joan Co, na siyang may-ari din ng junkshop na matatagpuan sa Brgy. Mayombo District sa lungsod ay habang nagsesegrate o naghihiwa-hiwalay umano ito ng mga basura ay nakita nito ang isang bomba.
Dahil sa takot agad itong nagtungo sa himpilan pulisya upang isangguni ang naturang bomba.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang Dagupan City PS sa Explosive Ordnance Disposal ng lungsod para sa tamang disposisyon ng bomba.
Facebook Comments