Mga programa para ilayo sa impluwensiya ng droga ang publiko, dapat palakasin ng pamahalaan ayon sa Dangerous Drugs Board

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Dangerous Drug Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago na kailangan palakasin pa ng pamahalaan ang prevention campaign nito para labanan ang iligal na droga sa bansa.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Santiago na kailangang paigtingin ang pagbibigay ng pagkakaabalahan o pangkabuhayan, skills development, edukasyon para sa mamamayan lalo na sa mga kabataan upang mailayo ang mga ito sa impluwensiya ng droga.

Isinisi din naman ni Santiago sa media kung bakit hindi sapat ang information dissemination sa publiko kaugnay sa mga ginagawan ng pamahalaan para labanan ang iligal na droga at masamang epekto nito sa kalusugan imbes aniya na tutukan lamang ang mga insidente ng napapatay sa mga illegal drug operations.


Ibinalita din naman ni Santiago na batay sa impormasyong mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ay mayroong 4 na milyong adik sa bansa pero hindi din naman nito masabi kung gaanong karaming iligal na droga ngayon ang umiikot sa bansa.

Facebook Comments