10 local terrorist napatay ng BIAF sa Datu Salibo

Labing isang indibidwal na kinabibilangan ng 10 itinuturing na mga local terrorist at isang combatant ng MILF ang nasawi sa nagpapatuloy na engkwentro sa bahagi ng SPMS Box sa Maguindanao.

Sa panayam ng RMN DXMY kay 601st Brigade Commander Col Diosdado Carreon nangyari ang engkwentro ng MILF Task Force Ittihad at grupo ni Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abo Turayfe sa mga ng Barangay Tee at Andavit sa bayan ng Datu Salibo Maguindanao noong weekend.

Gumamit naman ng Air Assets at 105 mm Howitzers ang military bilang resbak sa frontliner na MILF Combatants.


Mariin namang sinabi ni Col. Carreon na paliit na ng paliit ang mundong ginagalawan ng grupo ni Abu Turayfe sa halos mag iisang buwang pakikisagupa sa MILF katuwang ang mga otoridad.

PNP Maguindanao File Pic

Facebook Comments