MGA PROGRAMA PARA SA MGA PWD SA BAYAN NG MANAOAG, INILATAG AT TINALAKAY

Hindi humihinto sa pagbibigay prayoridad ang lokal na pamahalaan ng Manaoag sa mga persons with disabilities o PWD sa kanilang lugar kung kaya’t patuloy sila sa paghahanda ng mga programang naaayon para sa mga ito.
Kamakailan, isinagawa ang isang consultation meeting kasama ang mga Provincial Persons with Disability Affairs Office (PDAO Pangasinan) at PWD focal persons at inilatag ang mga ibat ibang programa para sa mga PWD sa bayan ay tinalakay kung paano at kailan ang implementasyon ng mga ito.
Isa sa naging diskusyon at tinalakay sa pagpupulong ang mga prebilihiyo ng mga PWDs, probisyon at nalalapit na data profiling ng lahat ng mga PWDs sa Manaoag.

Isa ang mga PWD sa mga pangunahing prayoridad ng alkalde ng bayan at ng lokal na pamahalaan nito para mabigyan sila ng tamang atensyon at oportunidad.
Patuloy ang pagbuo ng mga programa at proyekto para sa mga PWDs sa bayan kung kinikilala nito ang kontribusyon sa ibat ibang sektor at maging sa pag unlad ng komunidad ayon sa kanilang kapasidad. |ifmnews
Facebook Comments