Mga Programa para sa mga PWDs, Inaayos!

Baguio City, Philippines – Nanawagan si Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa Persons With Disabilities (PWDs) Sector ng Lungsod na palakasin at pagigtingin ang implementasyon ng kanilang mga programa, proyekto at aktibidad para sa kapakanan ng kapwa PWDs at sa mga pamilya nito.

Nagbigay si Mayor Mauricio Domogan ng sampung libong piso at nagbigay din naman sina Concilor Avila at Councilor Alad-iw ng tig limang libong piso para sa panimula ng organisasyon.

Dagdag pa ni Mayor Mauricio Domogan ay pinapahalagahan ng local na gobyerno ang kontribusyon ng mga PWDs sa pagtulong sa pagpapalago at pagdevelop ng Lungsod sa pamamagitan ng kanilang mga kakayanan.


Suportahan natin sila Idol!

Facebook Comments