Mga programa sa ilalim ng National Academy of Sports, bubuksan na sa susunod na taon

Bukas na sa mga student athlete na nasa Grade 7 at 8 ang mga bagong programa ng National Academy of Sports (NAS).

Ayon sa Department of Education (DepEd), ininspeksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit kalahating bilyong pisong world class facility ng NAS sa New Clark City sa Tarlac.

Kabilang sa mga programang iaalok ng NAS ay ang aquatics o swimming, judo, gymnastics, badminton, taekwondo, table tennis at weightlifting na pawang mga olympic sports.


Layon nito na makadiskubre ng mga mag-aaral sa larangan ng palakasan na magjging pambato ng bansa sa international competitions tulad ng Southeast Asian Games at Olympics.

Kasalukuyang naghahanap ang NAS ng mga kwalipikado at natatanging kabataang mag-aaral para kanilang maging scholar sa pamamagitan ng annual search for competent, exceptional, notable and talented student-athlete scholars na tatagal hanggang Hunyo 30.

Facebook Comments