
Ipinapaprayoridad ni Senator Lito Lapid ang libreng pa-ospital at mga gamot para sa mga senior citizen.
Kasama sa patuloy na adbokasiya ng senador sa pagtungo nito sa Cebu ang pagsusulong ng mga benepisyo para sa kapakanan ng mga lolo at lola.
Isa si Lapid sa mga may-akda ng Expanded Senior Citizens Act of 2014 o Republic Act No. 10645 na nagmamando ng mandatory PHILHEALTH coverage sa mga lolo at lola.
Samantala, tiniyak naman ni Lapid ang pagpapalago ng tourism industry sa Bohol nang magtungo ito sa lalawigan na kilalang sikat na tourist destination sa bansa.
Nangako rin ang senador na gagawa pa ng mga batas na nakatutok sa pagpapalawig ng turismo, edukasyon, kalusugan, at mga programa para sa mga senior citizen matapos na makuha ang ikatlo hanggang ikalimang spot sa pinakahuling SWS survey.